|
||||||||
|
||
Hanggang kaninang tanghali, 14 na katao ang nailigtas at 19 na bangkay naman ang narekober mula sa bapor na pampasahero na lumubog kamakalawa ng gabi sa Yangtze River ng Tsina. Mahigit sa 400 katao ang nawawala pa rin. Sa kasalukuyan, hinahabol ng mga tagapagligtas ang panahon, para mas marami pang buhay ang mailigtas.
Mas maraming bangkay ang narekober mula sa bapor na pampasahero na lumubog kamakalawa ng gabi sa Yangtze River
Pagkaraang maganap ang aksidenteng ito, agarang hiniling ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na buong sikap na isagawa ang paghahanap at pagliligtas, at palakasin ang kaligtasan ng mga pampublikong transportasyon sa buong bansa, para hindi maulit ang ganitong trahedya.
Nagbigay-galang si Premyer Li Keqiang at ang kanyang mga kasama sa labi ng mga biktima
Kaninang umaga naman, muling dumating sa lugar na pinangyarihan ng aksidenteng ito si Premyer Li Keqiang ng Tsina. Tahimik na nagbigay-galang siya at ang kanyang mga kasama sa labi ng mga biktima. Pagkatapos, ibinigay ni Li ang mga detalyadong kahilingan hinggil sa gawain ng paghahanap at pagliligtas.
Samantala, ipinahayag naman ng mga bansa at organisasyong pandaigdig na gaya ng United Nations, Unyong Europeo, Amerika, Hapon, Serbia, at iba pa ang pakikiramay sa panig Tsino kaugnay ng aksidenteng ito.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |