Nagpalabas kahapon ng pahayag si Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng UN bilang pakikiramay sa mga biktima at kanilang pamilya sa insidente ng paglubog kamakailan ng isang bapor na pampasahero sa Ilog Yangtze ng Tsina.
Lumubog kamakalawa ng gabi ang naturang bapor ng Chongqing Ferry Boat Company habang naglalayag mula Nanjing patungo sa Chongqing. Ang lugar ng insidente ay nasa Jianli, lalawigang Hubei. Ayon sa ulat, 456 katao ang sakay ng bapor, na kinabibilangan ng 405 pasahero. Hanggang kahapon ng hapon, 14 katao ang nailigtas.