Dahil mahilig na mahilig sa animated film ng Disney na "Little Mermaid", binago kamakailan ni Melissa Dawn, isang performer ng aquarium ng estadong Florida ng Estados Unidos (E.U.) ang kanyang pangalan at ginawang Mermaid Melissa. Mahigit 10 taon nang nagtatanghal bilang mermaid sa aquarium si Melissa at sa palagay niya, ito ay hindi isang trabaho, kundi kanyang sariling istilo ng pamumuhay.
Napag-alamang sa edad na 12 taong gulang, puwedeng pigilin ni Melissa ang kanyang paghinga nang mahigit 2 minuto at 30 segundo. Samantala, puwedeng manatili ang isang adult nang mga 40 segundo lamang sa ilalim ng tubig. Ngayon, puwedeng manatili si Melissa nang limang minuto sa ilalim ng tubig.
Mula noong taong 2006, ang mga video clip na may kinalaman sa pagperform niya ay pinanood nang mahigit 100 milyong beses. Sa kanyang bahay, mayroon siyang sariling pool at gumawa pa siya ng maraming magagandang buntot ng mermaid na may bigat na 27 kilo bawat isa. Bukod dito, sa mula' t mula pa'y, nagsisikap at nanawagan si Melissa sa mga mamamayan na pangalagaan ang kapaligiran at bigyan ng mas maraming pansin ang dagat at mga hayop na pandagat.