|
||||||||
|
||
Ipinahayag ni Liu na nagbibigay-diin ang Tsina at mga bansang ASEAN sa kahalagahan ng pagpapalakas ng diyalogo at kooperasyon sa isyu ng South China Sea. Aniya pa, sumang-ayon ang iba't ibang panig na patuloy na magsikap para ang South China Sea ay maging karagatan ng kapayapaan, pagkakaibigan, at pagtutulungan.
Sinabi naman ni Theppitak na nilinaw ng iba't ibang bansa na ang COC ay naglalayong palakasin ang pagtitiwalaan at iwasan ang pagkaganap ng mga insidente. Ito aniya ay hindi para sa paglutas ng mga hidwaan. Dagdag pa niya, hindi dapat makaapekto ang isang isyu sa komprehensibong relasyong Sino-ASEAN.
Sa pulong na ito, ipinahayag din ng Tsina ang pagkatig sa pagtatatag ng ASEAN Community, at patuloy na pagpapatingkad ng ASEAN ng namumunong papel sa rehiyonal na kooperasyon.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |