|
||||||||
|
||
Sa kanyang biyahe sa Hapon, inihambing ni Pangulong Benigno Aquino III ang Tsina sa Nazi Germany kaugnay ng alitang pandagat ng dalawang bansa sa South China Sea (SCS). Nanawagan din siya sa Amerika na gumanap ng papel sa isyu ng SCS. Ipinahayag ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang matinding pagkagulat sa pananalita ni Aquino. Pinuna rin ni Hua ang sinabi ni Aquino dahil ito'y walang katwiran.
Bilang tugon, nagpalabas ng artikulo ngayong araw ang Xinhua, Opisyal na Ahensya sa Pagbabalita ng Tsina. Anang artikulo, noong 2014 nang kapanayamin siya sa New York Times, sa kauna-unahang pagkakataon, ginawa ni Aquino ang ganitong paghahambing. Kaugnay nito, ipinahayag ng Malakanyang na walang intensyon si Aquino na laitin ang Tsina.
Ipinaalaala ng artikulo kay Aquino na noong World War II, ang mga Pasistang Hapones ang nanalakay sa Pilipinas kung saan naganap ang madugong krimen na gaya ng Bataan Death March at Manila Massacre. Naranasan din ng mga mamamayang Tsino ang karahasan ng mga militaristang Hapones. Kaya, ipinahayag ng artikulo ang matinding pagkagulat sa palagay sa kasaysayan, sense of value at lohika ni Aquino.
Ipinagdiinan ng artikulo na ang Tsina ay responsableng bansang nananangan sa pangako. Anito pa, sa mahigit 1,000 taong pakikipagpalitan ng Tsina sa Pilipinas, hindi kailanman gumamit ng dahas ang Tsina. Kaugnay ng alitang pandagat, walang-humpay na nagsisikap ang Tsina na lutasin ito sa pamamagitan ng diyalogo sa pagitan ng dalawang may direktang kinalamang bansa.
Salin: Jade
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |