|
||||||||
|
||
Ayon sa pinakahuling datos ng Ministri ng Kalusugan at Kawanggawa ng Timog Korea, 4 katao ang kumpirmadong namatay, at 41 iba pa ang nahawahan ng Middle East Respiratory Syndrome (MERS). Dahil dito, umabot na sa 9.8% ang death rate ng MERS sa bansang ito.
Ang MERS, isang uri ng sakit na respiratoryo, ay pinagmulan ng bagong uri ng corona-virus na katulad ng virus na nagdulot ng Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS). Wala pang bakuna sa MERS at ang karaniwang fatality rate nito ay 40.7%.
Ang unang kaso ng MERS ay naganap sa Saudi Arabia noong 2012. Hanggang sa kasalukuyan, iniulat ng World Health Organization ang mahigit 1,000 kaso ng MERS sa buong mundo at 400 sa mga ito ang namatay.
Salin: Jade
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |