Kahapon ng umaga, ipinalabas ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina, ang White Paper na pinamagatang "Progreso ng Usapin ng Tsina sa Karapatang Pantao para sa 2014". Sa White Paper, inilahad ang bunga na natamo ng Tsina sa karapatang pantao sa 9 na larangan. At ito ay nakakatawag ng pansin ng buong daigdig.
Komprehensibong isinalaysay ang nilalaman ng naturang White Paper ng Guo Ji Ri Bao ng Indonesiya. Ipinalabas rin ng Reuters ng Britaniya ang komentaryo hinggil dito, sinipi ng Reuters ang pananalita ng media ng Tsina na nagsasabing natamo na ng Tsina ang malaking progreso sa mga larangang kinabibilangan ng "paggalang sa kalayaan ng pagsasabi, patakaran ng kalayaang panrelihiyon ng mga etnikong grupo " at iba pang larangan.
Salin:Sarah