Sa isang artikulong ipinalabas sa website ng Pambansang Kawanihan ng Dagat ng Tsina nina Feng Aiping, mananaliksik, at Wang Yong, mataas na inhinyero ng kawanihang ito, ipinahayag nila na ang proyekto ng pagpapalawak ng Tsina sa mga isla sa Nansha ay hindi nakakaapekto sa sistemang ekolohikal ng coral reef.
Anang artikulo, dahilan ng pagtaas ng temperatura ng seawater, pagsasaasim ng seawater, labis na pangingisda, at iba pa, nasa yugto ng mabilis na paglubha ang kasalukuyang coral reef. Tulad ng tunguhin ng paglubha ng coral reef sa daigdig, lumitaw rin sa Tsina ang tunguhing ito. Anito, nitong mga taong nakalipas, binibigyan ng lubos na pagpapahalaga ng Tsina ang pangangalaga at rehabilitasyon sa coral reef, sa gayo'y natamo ang maraming may-kinalamang bunga ng pananaliksik at karanasan. Sa pamamagitan ng lehislasyon at pagtatatag ng protection zone, binibigyan ng superbisyon at pamamahala ng Tsina ang paggalugad at paggamit ng coral reef sa karagatang kontrolado ng Tsina.
Dagdag pa ng artikulo, mula noong sinaunang panahon, ang Nansha Islands ay likas na teritoryo ng Tsina. Ang pagsasagawa ng Tsina ng konstruksyon sa Nansha Islands ay mahigpit na sumusunod sa kahilingan ng batas at regulasyon ng bansa. Bukod dito, nagkaroon ang bansa ng lubos na siyentipikong pagtasa, at pinahahalagahan nito ang pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal at yaman ng pangingisda.
Salin: Li Feng