|
||||||||
|
||
KARAMIHAN ng mga senador ang naniniwalang may karapatan silang makialam sa mga tratadong pinapasok ng pangulo tulad ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa pagitan ng America at Pilipinas ay hindi lamang nakasalalay sa ehekutibo.
Sinabi ni Senador Miriam Defensor Santiago, chairperson ng Committee on Foreign Relations, ang mamumuno sa 12 iba pang senador sa pagpapadala ng resolusyon na naninindigan na mayroon silang papel sa mga tratado. Ayon sa mambabatas, hanggang sa hindi sumasangayon ang mga nasa lehislatura, walang katuturan ang nilagdaan ng pangulo at hindi maipatutupad.
Kasunod ito ng pahayag ni Pangulong Aquino na makikipag-usap na naman ang Pilipinas para sa visiting forces agreement sa Japan, na magpapalakas ng tayo ng Pilipinas sa pakikipagtunggali sa Tsina.
Sinabi ni Senador Santiago na ang pananahimik ng Senado ay maaaring nabasang pagsang-ayon sa kasunduan. Sa resolusyong kanilang ipapapasa, sasabihin nilang hindi sila papayag na mabawasan ang poder ng Senado.
Kabilang sa mga lumagda sina Senador Sonny Angara, Pia Cayetano, JV Ejercito, Jinggoy Estrada, TG Guingona, Lito Lapid, Bongbong Marcos, Serge Osmena, Koko Pimentel, Ralph Recto, Bong Revilla at Cynthia Villar.
Kung makakapasa, ang resolusyon ay ipadadala sa Korte Suprema na magiging paninindigan ng Senado sa nakabimbing tanong sa katuturan ng EDCA. Sinasabi ng Malacanang na ang EDCA ay hindi tratado kungdi isang executive agreement na hindi na kailangan ng pag-sangayon ng Senado.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |