|
||||||||
|
||
SA kauna-unahang pagkakataon, inilabas ng Korte Suprema ang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ng kanilang mga mahistrado.
Ayon kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno, bahagi ito ng kanilang pagtatangkang pahalagahan ang transparency sa hudikatura.
Si Associate Justice Francis Jardeleza ang pinakamayamang mahistrado na nagtataglay ng yamang P 244,413,320.16. Ang real properties niya ay nagkakahalaga ng P58,937,363.00 at ang personal property ay P 185,475,957.16 at walang anumang utang. Kasama niyang lumagda sa SALN ang kanyang maybahay na si Concepcion.
Pangalawa naman si Associate Justice Mariano del Castillo na may halagang P 130,906,517.36 at may real properties na nagkakahalaga ng P50,909,133.00 at ang kanyang sariling ari-arian ay P 80,666,586.94 at may pagkakautang na P 669,202.58. Kasama sa kanyang assets ang pag-aari ng kanyang maybahay na si Dean Cynthia Roxas Del Castillo.
Si Associate Justice Marvic Leonen ang may pinakamababang networth na nagkakahalaga ng P 2,098,780.57 at tumaas ng may P 281,073.82 noong nakalipas na taong nagkakahalaga ng P 1,817,706.75. Wala siyang real properties subalit ang kanyang personal properties ay nagkakahalaga ng P 2,589,521.90 at may pagkakautang na P 490,741.33.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |