|
||||||||
|
||
NANAWAGAN si Economic Planning Secretary Arsenio M. Balisacan na pawalang-bisa na ang mga batas na hindi na kapakipakinabang at sumasagka sa kaunlaran upang makasabay ang Pilipinas sa mga bansang naghahangad ng foreign investments.
Ani Kalihim Balisacan, may mga regulasyong hindi na tumutugon sa pangangailangan at nagpapahirap sa mga nais magkalakal sa Pilipinas. Kailangang masusugan ang mga batas na ito.
Ito ang laman ng kanyang position paper na isinumite bilang tugon sa Senate Resolution Nos. 170 at 696 na iniakda nina Senador Miriam Defensor-Santiago at Grace Llamansares-Poe.
Iniaatas ng Senate Resolution No 170 ang pagsasagawa ng Senate inquiry sa pagpapalakas ng kakayahan ng Pilipinas na makipagkalakal ayon sa bahagdang ginawa ng World Bank at International Finance Corporation.
Samantala, hinihiling ng Senate Resolution No. 696 na pagbalik-aralan ang mga batas upang pawalang-saysay ang mga magkakahalintulad, walang saysay at 'di na kailangang mga regulasyon upang maayos ang mga paraan at madali ang pagnenegosyo at mapanatiling matatag ang anumang kaunlarang nakakamtan.
Ani Kalihim Balisacan, mahalagang magkaroon ng Regulatory Impact Assessments tulad ng ginagawa sa Malaysia at Mexico na epektibong nakakapagsuri ng kanilang mga kalakaran, dagdag pa ni Kalihim Balisacan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |