Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagiging Makabayan, mahalaga sa mga mamumuno sa bansa

(GMT+08:00) 2015-06-11 18:32:39       CRI

NANINIWALA si Dr. Francis Chua, dating special envoy sa Tsina at pangulo ng Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce, Inc. at Philippine Chamber of Commerce and Industry na madalas rin lang sinasabi ng mga Filipino at Tsino na hindi lamang sa isyu ng South China Sea o West Philippine Sea nag-uugat ang relasyon ng dalawang bansa.

Sa likod ng namumuoong tensyon sa pagitan ng dalawang bansa, may iba pang dahilan ng pagkakaibigan tulad ng Tsina at Pilipinas tulad ng turismo at kalakalan. Sila sa pribadong sektor ang kumikilos upang higit na maging maganda ang kalakaran sa turismo at pakikipagkalakalan. Ang mahalagang manaig sa pagitan ng mga bansa ay ang pagkakaroon ng mutual respect.

Ani G. Chua, walang bansang magtatagal kung hindi makikipag-ugnayan sa mga kalapit-bansa.

Karapatan ng mga pangulo ng bansa na manindigan sa kanilang mga nasasakupan kaya't magkahatintulad ang kanilang binabanggit sa mahahalagang okasyon.

Sa larangan ng politika, nagagalak sila ng mga mangangalakal sa pagkakaroon ng halalan sa bawat tatlo at anim na taon. Mas maganda para sa kanilang huwag makialam sa mga kakandidato sapagkat kanilang pagtutuunan ng pansin ang investments at turismo.

Kailangang nagtataglay ng pagmamahal sa bansa ang mahahalal na pangulo at pangalawang-pangulo. Hindi na kailangang magkaroon ng malawak na kaalaman sa lahat ng bagay sapagkat ang anumang kakulangan ay mapupunuan ng mga mapipiling kasapi ng gabinete. Kailangang nagtataglay siya ng kakayahang makalikha ng mas maraming hanapbuhay para sa mga mamamayan, dagdag pa ni Ambassador Chua.

Sa napipintong pagtatatag ng ASEAN economic community, may laban pa rin ang "Buy Filipino" project na kanyang inilunsad magsasampung taon na ang nakalilipas. Layunin ng proyekto na mas maraming tumangkilik ng mga gawa sa Pilipinas upang dumami ang mga manggagawang makukuha ng mga kumpanyang Filipino.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>