|
||||||||
|
||
NAPAKAHALAGA ng pagkakaisa ng mga mamamayan kaya't naganap ang deklarasyon ng unang araw ng kalayaan may 117 taon na ang nakalilipas. Ito ang buod ng kanyang talumpati sa idinaos na pagdiriwang ng Independence Day sa bayan ng Santa Barbara kaninang umaga.
Naganap ito sa pagkakaisa ng mga mamamayan matapos ang may 300 taong pananakop ng mga Kastila. Binigyang-pansin ni Pangulong Aquino na ang pagkakaisa rin ang magiging mabisang sandata sa paglaban sa katiwalian.
Ipinagunita ni Pangulong Aquino ang kahalagahan ng "matuwid na daan."
Ipinagdiwang ni Pangulong Aquino ang Araw ng Kalayaan sa harap ng munisipyo ng Santa Barbara sa makasaysayang lalawigan ng Iloilo.
Nagsimula ang pagdiriwang kaninang ikawalo ng umaga na kinatampukan ng pagtataas ng watawat ng bansa. Nag-alay din siya ng bulaklak sa bantayog niGeneral Martin Delgado na siyang pook ng pagpapasinaya ng Republika ng Pilipinas sa Kabisayaan.
Dumalaw din si Pangulong Aquino sa makasaysayang simbahan sa Santa Barbara. Nagkaroon din ng tradisyunal na Vin d'Honneur sa inayos na kapitolyo ng lalawigan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |