|
||||||||
|
||
Seremonya ng Pagbubukas
Dumalo sa Seremonya ng Pagbubukas si Consul General Olivia Palala bilang kinatawan ng Pilipinas. Sa panayam ng CRI Serbisyo Filipino, sinabi ni Consul General Palala na ang bentaheng alok ng Kunming Fair ay exposure para sa produktong Pilipino.
Olivia Palala, Consul General ng Pilipinas sa Chongqing, Tsina
Paliwanag niya na sa kasalukuyan ang balance of trade ay pabor sa Tsina lalo na nang pumasok ang mga motorsiklo at SUVs na yaring Tsina sa pamilihan ng Pilipinas. Maaring mabalanse ito kung iaalok naman ng Pilipinas ang serbisyo imbes na mga produkto lamang sa pamilihang Tsino.
Ibinahagi rin ni Palala na ngayong Hulyo ay bubuksan ang direct flights mula Chongqing patungo ng Pilipinas na makakaambag ito sa maalwang kalakalan ng dalawang bansa.
Sa usapin naman ng people to people exchanges, masayang ibinalita ni Palala ang mainit na pagtanggap ng mga Tsino sa katatapos lang na pagtatanghal ng Philippine Magdrigal Singers sa Chongqing. Aniya napataas nito ang tingin ng mga Tsino sa kultura at talentong Pilipino.
Sakop ng Konsuladong pinamumunuan ni ConGen Palala ang Chongqing, Yunnan at Guizhou, mga lalawigang nasa gawing kanluran at timog ng Tsina.
Ang mga bahay-kalakal mula sa Tsina, walong bansa ng Timog Asya at 10 bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ay kalahok sa idinaraos na China-South Asia Expo at Kunming Fair.
Booth ng Goldentop na nagtatampok ng dried mangos at banana chips
Exhibiton Hall. Ang mga bahay-kalakal mula sa Tsina, 8 bansa ng Timog Asya at 10 bansang ASEAN ay kalahok sa China South Asia Expo at Kunming Fair
Ulat nina: Machelle Ramos at Andrea
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |