Binuksan kahapon sa Shanghai ang ika-11 Talakayan hinggil sa Teorya ng Partido Komunista ng Tsina at Vietnam(CPC at CPV). Dumalo sa seremonya ng pagbubukas si Liu Qibao, Publicity Minister ng Komite Sentral ng CPC, kasama ng kanyang Vietnamese counterpart na si Dinh The Huynh. Ang tema ng nasabing pagtitipon ay: Pag-unlad ng Lipunan at Inobasyon ng Pangangasiwa."
Binigyang-diin ni Liu Qibao ang pag-asang magsisikap ang CPC at CPV para maisakatuparan ang pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan at pagpapasulong ng pambansang kabuhayan; pangangalaga sa katarungan at paghihikayat ng kasiglaan ng lipunan; pagsasa-ayos ng paraang pangangasiwa at pagbabawas sa kasalungatan ng lipunan; paggigiit ng reporma at inobasyon at pagtatatag ng mabisang sistemang panlipunan; pagpapahigpit ng patnubay sa nukleong ideyolohiyang panlipunan at pagpapataas ng kalidad ng moralidad, at pagpapabuti at pagpapahigpit ng pamumuno ng naghaharing partido.