|
||||||||
|
||
Dumating kagabi sa Wuhan, lalawigang Hubei ng Tsina si Haring Philippe ng Belgium at kanyang asawa na si Renya Mathilde para isagawa ang isang linggong dalaw pang-estado sa bansa.
Sa kanyang pananatili sa Hubei, bibisita sila sa Dongfeng Motor Corporation, at Wuhan University. Bukod dito, lalagdaan ng Belgium at lalawigang Hubei ang mga kasunduan sa larangan ng kabuhayan, negosyo, pangangalaga sa kapaligiran, edukasyon, siyensiya, at kultura.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |