|
||||||||
|
||
Ayon sa ulat ng Infobae ng Argentina, pinili nito ang sampung pinakamagandang talon o waterfalls sa daigdig para ipakita ang kahanga-hangang likas na tanawin.
Narito ang naturang sampung waterfalls
Una, Iguazu Falls. Ang Iguazu Falls ay nasa hanggahan ng Brazil at Argentina. Noong 1984, ito'y pinili ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) bilang World Heritage Site.
Ikalawa, Niagara Falls. Ang Niagara Falls ay nasa hanggahan ng Ontario Province ng Canada at Estado ng New York ng Amerika. Sikat ito dahil sa malaking proyekto ng large-sized hydropower at pangangalaga sa kapaligiran.
Ikatlo, Angel Falls. Ang Angel Falls ay sana Ilog Rio Churun sa Estado ng Bolivar ng Venezuela. Ito rin ang pinakamataas na waterfalls sa buong mundo.
Ikaapat, Pearl Shoal Waterfall. Ang Pearl Shoal Waterfall ay nasa lalawigang Sichuan ng Tsina.
Ikalima, Kaieteur Falls. Ang Kaieteur Falls ay nasa Ilog Potaro ng Guyana. Ito'y natuklasan noong taong 1870 ni Barrington Brown, Geologist mula sa Britanya.
Ikaanim, Gull Falls. Ang Gull Falls o Golden Falls ay nasa Ilog Hvita sa dakong Timog Kanluran ng Iceland.
Ikapito, Ban Gioc–Detian Falls. Ang Ban Gioc–Detian Falls ay nasa Ilog Guichun sa hanggahan ng Tsina at Biyetnam. Sa Biyetnam, ito'y tinawag na Ban Gioc Fall. Sa Tsina, ito'y tinawag na Detian Fall. Ito ang itunuturing na pinakamalaking talon sa Asya
Ikawalo, Taughannock Falls. Ang Taughannock Falls ay nasa Estado ng New York ng Amerika.
Ikasiyam, Plitvice Falls. Ang Plitvice ay nasa Plitvice Lakes National Park ng Croatia. Ito'y binubuo ng 92 falls ng 16 na lake.
Ikasampu, Hanging Glacier Falls. Ang Hanging Glacier Falls ay nasa Queulat National Park ng Chile.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |