Sa kanyang pakikipag-usap kahapon sa Washington kay John Kerry, Kalihim ng Estado ng Amerika, ipinahayag ni Liu Yandong, Pangalawang Premyer ng Tsina na ang mataas na mekanismo ng pagsasanggunian sa people-to-people exchange ng Tsina at Amerika ay gumaganap ng mahalagang papel sa pagpapasulong ng pagtitiwalaan, pagkakaibigan at pagtutulungan ng mga mamamayan nito. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Amerika para ibayo pang palalimin ang usaping ito, upang lumikha ng matibay na batayang panlipunan at pang-humanidad sa pagsasakatuparan ng malusog, matatag at pangmatagalang pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano.
Ipinahayag naman ni John Kerry na may magandang hinaharap ang nasabing mekanismo ng Tsina at Amerika. Umaasa aniya siyang kokompletuhin ng dalawang panig ang mekanismong ito.