|
||||||||
|
||
Matinding kinondena kahapon ng Security Council ng United Nations (UNSC) ang isinagawang pag-atake ng mga armadong tauhan ng Al-Shabaab sa base ng African Union Mission in Somalia (AMISOM).
Aag naturang pag-atake ay nagresulta sa pagkamatay ng ilampung tauhang pamayapa na galing sa Burundi.
Sa pahayag, ipinaaabot ng UNSC ang taos-pusong pakikiramay sa AMISOM, pamahalaan at mga mamamayan ng Burundi, at Somalia.
Bukod dito, binigyang-diin ng UNSC na dapat iharap sa batas ang mga may-kagagawan at mga tauhang may kinalaman sa insidenteng ito.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |