Ipinahayag sa Beijing kahapon ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina ang lubos na pakikidalamhati ng panig Tsino sa mga biktima sa aksidente ng pagbagsak ng eroplanong militar ng Indonesia.
Bumagsak kamakalawa sa Lunsod ng Medan ng Sumatra Island ng Indonesia ang isang C-130 ng hukbong panhimpapawid ng bansang ito na nagresulta sa pagkasawi ng lahat ng mga tao sa eroplano. Ayon sa Indonesian media, hanggang sa kasalukuyan, umabot sa 142 ang bilang ng mga nasawi sa aksidenteng ito.
Ipinahayag din ni Hua na hanggang sa ngayon, wala pang naiulat na kasuwalti ng mamamayang Tsino sa aksidente.
Salin: Li Feng