|
||||||||
|
||
ZAMBOANGA CITY MAYOR CLIMACO: MAILILIPAT NA ANG EVACUEES. Umaasa si Mayor "Beng" Climaco na maililipat na ang may 411 pamilya mula sa isang sports complex sa mga permanent housing na itinayo ng pamahalaan sa Barangay Mariki pagsapit ng ika-16 ng Hulyo, (Melo M. Acuna)
SINABI ni Zamboanga City Mayor Maria Isabel "Beng" Climaco Salazar na naghihintay na lamang silang matapos ang banal na buwan ng Ramadhan upang mailipat na ang libu-libong naninirahan sa Joaquin F. Enriquez Memorial Sports Complex mula ng sumiklab ang kaguluhan noong ika-siyam ng Setyembre, 2013.
Si isang panayam sa Carmelite Monastery kaninang umaga, umaasa siyang maililipat na ang mga biktima ng kaguluhan pagsapit ng ika-16 ng Hulyo. Mayroon na umanong permanent shelters para sa mga biktima.
Makakasama sa maililipat ang may 411 pamilya na kinabibilangan ng halos dalawang libo katao.
Mayroong mga itinatayong permanent housing sa Mariki, Zamboanga City. Sa oras na makaalis ang evacuees sa sports complex, aayusin na at ibabalik sa dati ni Mayor Climaco ang napinsalang palaruan para sa mga mag-aaral ng Zamboanga at mga kalapit pook.
Balak ng Department of Public Works ang Highways na sabayang maayos ang mga pangangailangan ng mga mamamayan sa Zamboanga City, dagdag pa ni Mayor Climaco.
May P 200 milyong nakalaan para sa mga proyektong ito.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |