Ang lunsod ng Pu'er ng lalawigang Yunnan ay nasa gawing Timog Kanluran ng Tsina. Dito, mayroong mga natural protection zone sa antas ng estado na gaya ng bundok ng Ailao at Wuliang. Ang lunsod ay tinatawag ding "natural oxygen bar," at ang coverage rate ng kagubatan nito ay umabot sa 68.7%.
Nitong ilang taong nakalipas, puspusang pinauunlad ng lunsod ng Pu'er ang green, low-carbon, at cycling economy. Buong sikap din nitong isinusulong ang pag-unlad ng berdeng industriya, malinis na enerhiya, industriya ng panggugubat, at turismo, at palagiang naghahanap ng paraan para sa sustenableng pag-unlad.
Noong Hunyo ng taong 2013, inaprobahan ng bansa ang pagtatatag ng Green Economy Demonstration Area sa antas ng estado sa lunsod ng Pu'er.
Salin: Li Feng