|
||||||||
|
||
Ipinahayag kahapon sa Beijing ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na nakahanda ang kanyang bansa na pasulungin ang sustenable at malusog na pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Sa kanyang pakikipagusap kay Pangulong Tan Keng Yam ng Singapore, biniyang-diin ni Li na kinakatigan ng Tsina ang pagtatatag ng ASEAN ng komunidad sa seguridad, kabuhayan at lipunan.
Ang Singapore ay magiging bansang tagapagkoordina sa relasyon ng Tsina at ASEAN sa taong 2016. Sinabi ni Li na nakahanda ang Tsina na pasulungin, kasama ng Singapore, ang relasyon ng Tsina at ASEAN para magkasamang pangalagaan ang katatagan at kapayapaan ng rehiyong ito.
Sainabi ni Tan na nakahanda ang kanyang bansa na patingkarin ang positibong papel para pasulungin ang relasyon ng ASEAN at Tsina.
Kapwa nila ipinahayag na dapat pataasin ang lebel ng kasunduan ng malayang kalakalan ng dalawang bansa, pasulungin ang transportasyon at komunikasyon sa isa't isa at pabilisin ang konstruksyon ng mga proyektong pampamahalaan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |