|
||||||||
|
||
Mula unang araw ng buwang ito hanggang ngayong araw, dumalaw sa Indonesia si Han Qide, Pangalawang Tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), at Puno ng Chinese People's Association for Peace and Disarmament (CPAPD).
Sa kanyang pananatili sa Indonesia, magkahiwalay na nakipagtagpo si Han kina Zulkifli Hasan, Tagapangulo ng People's Consultative Assembly ng bansang ito, at Tedjo Edhy Purdijatno, Ministro ng Pulitika, Batas at Seguridad. Dumalo rin siya sa porum na magkasamang itinaguyod ng CPAPD, National Science Academy ng Indonesia at Embahadang Tsino.
Sinabi ni Han na mayroong malaking komong kapakanan ang "Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road" Initiative na iniharap ng Tsina at estratehiyang pandagat ng Indonesia.
Umaasa aniya siyang iuugnay ng dalawang bansa ang kani-kanilang estratehiyang pandagat para palalimin ang aktuwal na kooperasyon at pahihigpitin ang pagkakaibigang pansibilyan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |