|
||||||||
|
||
Ang 92 taong gulang na babaeng si Sudama Devi ay galing sa Kajri Noorpur, Indya. Kumakain siya ng 1 kilong buhangin bawat araw nitong nakalipas na 80 taon. Sinimulan niyang kumain nito noong 10 taong gulang siya, nang magpustahan sila siya ng mga kaibigan.
May vampire sa totoong buhay. Umiinom ng 0.5 gallon o 1,892 mililitro ng dugo ng tao ang babaeng ito mula sa Pennsylvania, Amerika, bawat buwan.
Ang 4 taong gulang na si Jessica ay mahilig sa pagkain ng iba't-ibang bagay gaya ng alpombra, palaman ng stuffed toy, at marami pang iba. Minsan, kumakain pa siya ng buhangin at bato. Ang pinakagusto niya ay balahibo ng alpombra.
Hindi interesado si Pakkirappa Hunagundi sa normal na dishes, kumakain siya 3 kilong bato at putik bawat araw. Siya ay 30 taong gulang at galing sa Indya.
Si Tepasta Henderson ay isang 19 na taong gulang na babae na taga-Florida, Amerika. Dahil sa malaking presyur dulot ng break-up, sinimulan niyang kumain ng sopa. Nauubos niya ang 5 sopa bawat linggo.
Noong 2011, nakatikim si Bill ang pintura, at mula noon, nahiligan niya ang pintura at pumupunta siya sa hardware store bawat araw para uminom nito. Si Bill ay 43 taong gulang na babae na taga-Amerika.
Noong nagdaang taon, nahiligang kumain ng plastic bag ng 23 taong gulang na si Robert, galing sa Amerika. Kumakain siya ng isang plastic bag bawat agahan. Minsan, kinakain niya ng mga bag na itinatapon ng mga kapit-bahay o tindahan. At minsan, dahil sa pagkain ng sobrang plastic bag, hindi na siya nakakakain ng regular.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |