JAKARTA, Indonesia--Sa panahon ng Ramadan, nagsadya kamakailan si Xie Feng, Sugo ng Tsina sa Indonesia sa Nahdlatul Ulama (NU), samahalang Islamik, at bumisita sa mahihirap na estudyante at mga ulila.
Sinabi ng sugong Tsino na ang Ramadan ay banal na buwan para sa mga Muslim sa buong mundo, at ang mahigit 20 milyong Muslim na Tsino ay tumatalima rin sa Ramadan.
Pinasalamatan naman ni Said Aqil Siradj, Tagapangulo ng NU ang Embahadang Tsino sa Indonesia sa mga ginawa nitong aktibidad na pangkawanggawa ng huli para sa NU, lalong lalo na sa mahihirap na mga Muslim at mga bata.
Ang Ramadan sa taong ito ay nagsimula noong ika-18 ng Hunyo at tatagal hanggang ika-18 ng Hulyo.
Salin: Jade