|
||||||||
|
||
UFA, Russia—Ipinahayag kahapon ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang kanyang mainit na pagtanggap sa pinaplanong pagpapalawak ng Shanghai Cooperation Organization (SCO). Nanawagan din siya sa mga kasaping bansa ng SCO na igiit ang Shanghai Spirit para sa komong kasaganaan.
Pagpapalawak ng SCO
Sa katatapos na Ika-15 SCO Summit, sinang-ayunan ng anim na kasaping bansa na kinabibilangan ng Tsina, Kazakhstan, Kyrgyzstan, Rusya, Tajikistan at Uzbekistan, na simulan ang procedure para sumapi ang India at Pakistan sa SCO. Sinang-ayunin din nilang tanggapin ang Belarus bilang tagamasid at ang Azerbaijan, Armenia, Kambodya at Nepal, bilang dialogue partners.
Shanghai Spirit, pagtutulungang pangkabuhayan, people-to-people exchanges, sa mata ng pangulong Tsino
Sa kanyang talumpati, ipinagdiinan ni Xi na nitong 15 taong nakalipas sapul nang itatag ang SCO noong 2001, ang Shanghai Spirit na nagtatampok sa pagtitiwalaan, mutuwal na kapakinabangan, pagkakapantay-pantay, pagsasanggunian, paggagalangan sa pagkakaiba sa kultura at pagpapasulong sa magkakasamang pag-unlad ay nagiging pundasyon para sa pag-unlad ng SCO at nagpapakita rin ito ng direksyon ng kasalukuyang relasyong pandaigdig. Idinagdag pa niyang kailangang patuloy na manangan ang mga kasapi ng SOC sa Shanghai Spirit para itatag ang komunidad ng ibinabahaging tadhana sa rehiyon.
Ipinahayag din ni Pangulong Xi ang kahandaan ng Tsina na pahigptin ang pakikipagtulungan sa puhunan sa mga kasapi ng SCO, sa pamamagitan ng China-Eurasia Economic Cooperation Fund at Silk Road Fund, para mapasulong ang konstruksyon ng imprastruktura at paggagalugad sa likas na yaman sa rehiyon.
Nanawagan din ang pangulong Tsino sa mga kasapi ng SCO na pahigpitin ang people-to-people exchanges. Ipinangako niyang mula 2016 hanggang 2021, 200 kabataan mula sa mga kasapi ng SCO ang aanyayahan ng Tsina bawat taon para dumalo sa youth exchange camp.
Mga nilagdaang dokumento
Sa katatapos na taunang summit, nilagdaan ng mga lider ng SCO ang kasunduan hinggil sa pagtutulungang pandepensa sa hanggahan. Inaprubahan din nila ang 2016-2018 programang pangkooperasyon laban sa terorismo, separatismo at ekstrimismo. Ipinalabas din nila ang pahayag hinggil sa Ika-70 Anibersaryo ng World War II at Pandaigdig na Digmaan laban sa Pasismo, at ang pahayag hinggil sa isyu ng droga.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |