|
||||||||
|
||
UFA, Rusya—Ipinahayag kahapon ni Zhang Jun, opisyal ng Ministring Panlabas ng Tsina na patatakbuhin ng mga kasapi ang BRICS New Development Bank at Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB), ayon sa mga alituntuning pampamilihan, sa halip ng kautusang pampamahalaan.
Sa isang preskon, sinabi rin ng opisyal Tsino na malaki ang potensyal ng pagtutulungan sa pagitan ng nasabing dalawang bangko para mapalago ang pambansang kaunlaran sa pamamagitan ng pagpapasulong ng konstruksyon ng imprastruktura ng mga kasaping bansa.
Sa pagtataguyod ng mga kasapi ng BRICS na kinabibilangan ng Brazil, Rusya, India, Tsina at Timog Aprika, itatatag ang BRICS New Development Bank. Bukod sa pagpapasulong ng konstruksyon ng imprastruktura ng mga kasaping bansa, mayroon din itong misyon para mapalago ang kabuhayan ng mga bagong ekonomiya at mga umuunlad na bansa.
Ang AIIB, isang inter-governmental na institusyon para sa kaunlarang panrehiyon, ay naglalayong pasulungin ang konektibidad at integrasyong pangkabuhayan ng mga bansang Asyano.
Katatapos ang Ika-7 BRICS Summit at Ika-15 SCO Summit.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |