UFA, Rusya-- Ipinahayag kahapon ni Zhang Jun, opisyal ng Ministring Panlabas ng Tsina na mabunga ang katatapos na Ika-7 BRICS Summit at Ika-15 SCO Summit.
Sinabi ng opisyal Tsino na ang kapasiyahan ng mga kasapi ng BRICS na kinabibilangan ng Brazil, Rusya, India, Tsina at Timog Aprika, na itatag ang New Development Bank at Contingent Reserve Arrangement ay nagsisilbing muhon para sa pagtutulungan ng mga miyembro ng BRICS. Sa katatapos na taunang SCO Summit, narating din ng mga miyembro na kinabibilangan ng Tsina, Kazakhstan, Kyrgyzstan, Rusya, Tajikistan at Uzbekistan ang komong palagay at nilagdaan ang isang serye ng pahayag at kasunduang pangkooperasyon.
Salin: Jade