|
||||||||
|
||
Pagkaraang pauwiin sa Tsina ng Thailand ang 109 na ilegal na migranteng Tsino, kinumpirma kahapon ng Ministri ng Seguridad na Pampubliko ng Tsina, na karamihan sa mga ilegal na migranteng ito ay galing sa Rehiyong Awtonomo ng Xinjiang ng Tsina, at mayroon silang planong pumunta sa Turkey para lumahok sa jihad sa Syria at Iraq. Samantala, natuklasan din ng panig pulisya ng Tsina ang ilang grupo sa Turkey na nangangalap ng mga ilegal na migrante sa Tsina, at mayroon ding katibayang nagpapakitang ang mga Turkish diplomat sa Thailand at ibang bansang Timog-silangang Asyano ay nagbigay-daan sa paglalakbay ng naturang mga ilegal na migrante.
Sinabi rin ng panig pulisya ng Tsina na, sa 109 na ilegal na migranteng Tsino, 13 ang nakalista sa pulisyang Tsino bilang mga tauhang kasangot sa teroristikong aktibidad, at 2 iba pa ang suspek sa mga kasong terorismo na nakatakas mula sa detention. Ayon naman sa testimonya ng mga ilegal na migrante, nasa likod ng kaso ang World Uygur Congress, seperatistang organisasyong naninindigan sa pagsasarili ng Xinjiang at East Turkestan Islamic Movement, teroristikong grupong nakalista sa United Nations. Anila, nagpopropoganda ang dalawang organisasyong ito ng teroristikong ideya, sinusulsulan nila ang mga tao para lumahok sa jihad, at ini-oorganisa rin ang mga ilegal na migrante na pumasok sa Syria at Iraq para magsagawa ng jihad.
Samantala, bilang tugon sa pahayag ng Kagawaran ng Estado ng Amerika hinggil sa pagpapauwi sa Tsina sa mga ilegal na migranteng Tsino, sinabi kahapon ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na bulag ang panig Amerikano sa katotohanan, at lipos ng pulitikal na pagkiling ang naturang pahayag. Dagdag ni Hua, ang aksyong ito ng Amerika ay pakikipagsabuwatan sa mga ilegal na migrante, at paglabag din sa mga may kinalamang pandaigdig na kombesyon at batas.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |