|
||||||||
|
||
Nag-abuloy kahapon ang Embahadang Tsino ng mga material na medikal sa Laos para tulungan ang Laos sa pagpawi sa mga iniwang epekto ng digmaan sa Biyetnam.
Ang seremonya ng pag-aabuloy ay idinaos sa Center of Medical Rehabilitation (CMR) ng Ministri ng Kalusugan ng Laos.
Ipinahayag ni Guan Huabing, Embahador Tsino, na nakahanda ang Embahada na patuloy na pahigpitin ang pakikipag-ugnayan sa CMR ng Laos para magbigay ng mga tulong sa gawain sa kalusugan at paggaling.
Ipinahayag ni Khamphet Manivong, Puno ng CMR, na ang mga inabuloy na materiyal ay nabibigay-tulong nang malaki sa kanilang trabaho.
Pinasalamatan din niya ang mga pagtulong ng Tsina noong mahabang panahon. Umaasa aniya siyang patuloy na pahihigpitin ang kooperasyon at pagtutulungan ng Laos at Tsina sa kalusugan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |