Nag-usap kahapon sa telepono sina Pangulong Vladimir Putin ng Rusya at Pangulong Barack Obama ng Amerika. Binigyan nila ng mataas na pagtasa ang pagkakaroon ng komprehensibong kasunduan hinggil sa isyung nuklear ng Iran.
Sinabi ng kapwa pangulo na ito ay angkop sa komong interes ng komunidad ng daigdig, makakabuti sa mekanismo ng di-pagpapalaganap ng sandatang nuklear, magpapahupa rin ng tensyon sa Gitnang Silangan.
Ipinahayag din nila ang kahandaang magkasamang magsikap, para ipatupad ang nabanggit na kasunduan, at labanan ang pandaigdig na terorismo.