|
||||||||
|
||
Ipinahayag kahapon ni Sergei Lavrov, Ministrong Panlabas ng Rusya, na kung isasakatuparan ng Ukraine ang reporma sa konstitusyon, kailangan muna ng pamahalaan ng bansang ito na isagawa ang direktang diyalogo sa mga pamahalaan ng Luhansk Oblast at Donetsk.
Ayon sa pahayag ng Ministring Panlabas ng Rusya, magkahiwalay na nakipag-usap kahapon sa telepono si Lavrov kina Frank-Walter Steinmeier, Ministrong Panlabas ng Alemanya; Pavlo Klimkin, Ministrong Panlabas ng Ukraine; at John Kerry, Kalihim ng Estado ng Amerika, para talakayin ang isyu ng Ukraine.
Sa pag-uusap, inulit ng panig Ruso na dapat komprehensibong isakatuparan ang Minsk Agreement para lutasin ang krisis ng Ukraine.
Bukod dito, umaasa ang Rusya na mapapayuhan ng mga kanluraning Bansa ang Ukraine para pasulungin ang proseso ng kapayapan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |