Dumating kahapon, local time, sa Jerusalem si Ashton Carter, Kalihim ng Tanggulan ng Amerika, para simulan ang pagdalaw sa Israel.
Ang pagdalaw na ito ay bilang tugon sa pagtutol ng Israel sa kararating na komprehensibong kasunduan hinggil sa isyung nuklear ng Iran. I-uulit ni Carter sa mga mataas na opisyal ng Israel ang pangako ng Amerika sa seguridad ng bansang ito. Tatalakayin din nila ang hinggil sa pagbibigay-tulong ng Amerika sa Israel para sa pagpapalakas ng puwersang militar, at pag-iibayo ng dalawang bansa ng kooperasyon sa impormasyon.
Salin: Liu Kai