Ayon sa resulta ng isang public poll na ipinalabas kahapon ng National Institute of Development ng Thailand, karamihan sa mga mamamayang Thai ang tumututol sa pagpuna ng Amerika sa kanilang bansa sa isyu ng karapatang pantao.
Sa naturang public poll, 1,250 mamamayang Thai ang tinanong hinggil sa kanilang palagay sa pagpuna ng Amerika sa Thailand sa isyu ng karapatang pantao.
Ipinalalagay ng halos 38% na ang aksyong ito ng Amerika ay pakikialam sa suliraning panloob ng Thailand, ipinalalagay naman ng 22% na may motibong pampulitika ang Amerika sa aksyong ito, ayon naman sa 16% na sa pamamagitan ng aksyong ito, mapapalakas ng Amerika ang impluwensiya nito sa Asya-Pasipiko, at samantalang, 14% ang nagsabi na ito ay tangka ng Amerika na buuin ang imahe nito bilang tagapagtanggol ng karapatang pantao.
Salin: Liu Kai