|
||||||||
|
||
Puwede bang magtayo ng 2 palapag na bahay sa loob ng 3 oras? Naisakatuparan ito kamakailan ng isang bahay-kalakal na Tsino sa Xi'an, lalawigang Shaanxi. Ginawa nila ito sa pamamagitan ng 3D printing na taknolohiya.
Ang bahay ay binubuo ng 6 na unit, ang mga ito ay pre-fabricated at pagkakabit-kabit ang mga ito sa pamamagitan ng hoist. Ang proseso ng pagtatayo ng isang tradisyonal na bahay ay tumatagal ng kalahating taon, pero, ang 3D-printed na bahay , 3 oras lang. Mahal ba ang 3D-printed na bahay? Hindi, ito ay nagkakahalaga lang ng 2,500 hanggang 3,500 yuan RMB bawat metro kuwadrado.
Ayon sa designer, dahil ang bawat unit ay nagsasarili, hindi masisira ang buong bahay kahit lumindol pa ng intensity 9 sa richter scale.
Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa ipinagbibili ang nasabing 3D-printed na bahay. Pero, ayon sa builder, magkakaloob sila ng serbisyo ng personal custom-made sa malapit na hinaharap.
salin:wle
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |