|
||||||||
|
||
MAS makabubuting sibakin na ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang mga palpak na opisyal ng ehekutibo sa nalalabing panahon sa Malacanang.
Kailangan ito, ani Senate President Franklin M. Drilon upang makarating ang angkop na serbisyo ng pamahalaan sa mga mamamayan. Binanggit niya ang lumalalang problemang dulot ng public transport system sa kanyang pagkabahal sa kaligtasan ng mga mamamayan na nagsasakripisyo sa araw-araw na kapalpakan ng Metro Rail Transit (MRT-3).
Kasabay na rin ito ng panawagan niyang gumastos na ang pamahalaan sapagkat ang 'di paglalabas ng salapi ang siyang sumasagka sa kaunlaran ng bansa.
Kailangan ang angkop na paggasta sapagkat 20% ng ekonomiya ay nakasalalay sa salaping ilalabas ng pamahalaan.
Sa isang panayam sa telebisyon, sinabi ni Senador Drilon na kailangang malutas ang lumalalang problema ng public transport system sa nalalabing panahon ng administrasyon na magtatapos sa ika-30 ng Hunyo, 2016.
Kailangan ang matatag na pagkilos ng ehekutibo sa transport services sapagkat kapalpakan ang nakikita ng madla sa MRT-3. Nawawalan na umano ng pagasa ang mga mamamayan sa kapalpakan ng mass transport na kinatampukan ng isang sakuna noong ika014 ng Agosto na ikinasugat ng 38 mga pasahero ng MRT-3.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |