|
||||||||
|
||
Si Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina
"Ang aksyong isinasagawa ng Hapon ay sadyang naghasik ng salungatan, at ito ay hindi makakatulong sa pagkontrol sa kalagayan sa East China Sea at pagpapasulong ng relasyong Sino-Hapones." Ito ang ipinahayag kahapon ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina bilang tugon sa pagsasapubliko kamakailan ng Ministring Panlabas ng Hapon ng mga may-kinalamang impormasyon hinggil sa plataporma ng langis at natural na gas ng Tsina sa nasabing karagatan.
Ani Lu, ang paggagalugad ng langis at natural na gas sa East China Sea ay nagsisilbing normal na operasyong isinasagawa ng Tsina sa loob ng sovereignty rights at administratibong saklaw ng bansa. Aniya, nakahanda ang Tsina, tulad ng dati, na ipagpatuloy ang pakikipagpalitan sa Hapon bilang tugon sa mga may-kinalamang isyu. Dagdag pa niya, umaasa ang Tsina na lilikha muna ang Hapon ng magandang kapaligiran at kondisyon para sa usaping ito.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |