|
||||||||
|
||
Ang Santa Cruz Island, isang maliit na pulo sa Colombia na may saklaw lamang na 0.012 kilometro kuwadrado, at may papulasyon na 1200 ang pinaka-crowded na pulo sa buong daigdig.
Siyamnapung bahay ang nakatayo sa pulo; kasama ang 2 tindahan, isang restawran, at isang paaralan. Ang buong pulo ay punuong-puno ng mga bahay, at ang tanging clearing ay isang courtyard.
Kung may mamatay na residente, ililibing siya sa isang malapit na kapitpulo. At kung gusto ng mga batang maglaro ng football, dapat silang pumunta sa isa pang kapitpulo.
Noong 105 taong nakalipas, natuklasan ng mga mangingisda ang Santa Cruz Island. Sa kasalukuyan, karamihan ng mga nakatira rito ay gumagawa ng negosyo hinggil sa turismo.
salin:wle
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |