UMAASA ang mga manggagawang kabilang sa Bukluran ng Manggagawang Pilipino, Partido Lakas ng Masa at SANLAKAS na walang anumang mahalagang sasabihin si Pangulong Aquino sa kanyang ika-anim na State of the Nation Address.
Libu-libong mga kasapi nila ang nagmartsa sa Commonwealth Avenue ngayon patungo sa Mababang Kapulungan para sa talumpati ni Pangulong Aquino sa huling pagkakataon sa pinag-isang sesyon ng Senado at Mababang Kapuloungan.
Elitista umano ang pamamalakad ni Pangulong Aquino, dagdag pa ng mga manggagawa. Sinabi ni Sonny Melencio, chairman ng Partido Lakas ng Manggagawa na wala namang mapapala ang mga mamamamayan sa parada ng kawalan ng lamang politika sa kalawakan ng kahirapan. Kitang-kita ang "bata-bata system"