|
||||||||
|
||
Sa ika-31 ng buwang ito, idaraos ng International Olympic Committee (IOC) sa Kuala Lumpur ng Malaysia ang sesyong plenaryo. Sa pamamagitan ng pagboto, pipiliin ang host city para sa Olympic Winter Games(OWG) sa 2022. Ang Beijing at Alma-Ata ay dalawang kandidato.
Inaasahang sunud-sunod na magbibigay-pansin ang iba't ibang bansa ng daigdig sa isyung ito.
Ipinahayag ni Julie Wagner, Pangalawang Ministrong Pampalakasan ng Rusya, na ang Beijing ay isang lunsod na mayroong maraming karanasan sa paghawak ng paligsahan. Tiyak aniyang matagumpay na idaraos ng Beijing ang OWG.
Sa panahon ng EXPO 2015 sa Milan, Italya, umakit ng maraming turista ang Beijing Week na may tema ng "Beautiful Beijing Shinning at the EXPO". Ipinahayag ni Stefano Gatti, opisyal mula sa EXPO 2015 na ang Beijing ay mayroong lubos na kakayahan sa paghawak ng OWG.
Kamakailan, ipinahayag din ni Tim Shriver, Pangulo ng Special Olympics International na nananalig siyang tiyak na idaraos ng Beijing ang isang matagumpay na OWG.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |