Kamakailan, ipinahayag ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ng Amerika na kinakatigan ng pamahalaang Tsino ang mga bahay-kalakal nito na magsagawa ng "economic espionage" sa Amerika. Hinggil dito, ipinahayag ngayong araw ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na walang batayan ang pahayag na ito. At hinimok ang kinauukulang organo ng Amerika na agarang itigil ang iresponsableng aksyong ito, at magsagawa ng mas maraming bagay na makakabuti sa kooperasyon ng dalawang bansa.
Salin:Sarah