Ipinatalastas ngayong araw ni Pangulong Benigno Aquino III ang nominasyon kay Mar Roxas, Kalihim ng Interyor at Pamahalaang Lokal, bilang opisyal na kandidato ng Liberal Party para sa pagkapangulo sa susunod na halalang pampanguluhan. Pagkatapos nito, kinumpirma rin ni Roxas ang kanyang pagtakbo sa halalan.
Ani Aquino, lubos niyang hinahangaan si Roxas, lalung-lalo na ang mga natamong tagumpay nito bilang kalihim ng interyor at pamahalaang lokal. Sinabi rin ni Aquino na walang iba kundi si Roxas ang magpapatuloy ng "Daang Matuwid."
Salin: Liu Kai