Batay sa kahilingan ng pamahalaan ng Nepal, isang rescue team ang ipinadala kahapon ng umaga ng Chinese Armed Police Force. Ito ay binubuo ng 100 tauhan at mahigit 30 makina at kagamitan, para maghawan ng isang pangunahing lansangan sa Nepal na nasira kamakailan ng landslide.
Ang lansangang ito ay nasira sa malakas na lindol na naganap noong Abril ng taong ito, at noong panahong iyon, isinaayos ito ng rescue team ng armed police force ng Tsina. Kaya sa kasalukuyan, muling humingi ng tulong ang pamahalaan ng Nepal sa panig Tsino, para maghawan ng lansangang ito na nasira ulit ng landslide, pagkaraan ng tuluy-tuloy na malakas na ulan.
Salin: Liu Kai