Sa kanyang isinasagawang biyahe sa Sierra Leone, Liberia, at Guinea, tatlong bansang Aprikanong pinakaapektado ng Ebola, ipinangako ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina ang patuloy na suporta ng Tsina sa nasabing mga bansa.
Si Wang ang unang banyagang ministrong panlabas ng mga pangunahing bansa sa daigdig na bumisita sa Kanlurang Aprika sapul nang maganap ang epidemiya ng Ebola noong 2014.
Ipinahayag ni Wang na ang kanyang biyahe ay nagpapakitang hindi itinigil at hindi rin ititigil ng Tsina ang pagbibigay-tulong nito sa mga bansang Aparikano na may kakailanganin.