|
||||||||
|
||
Idinaos kamakailan sa Xichang, Lalawigang Sichuan, sa kanluran ng Tsina, ang isang kompetisyon sa pagdidisenyo at pagtatanghal ng mga tradisyonal at modernong kasuotan ng Lahing Yi ng Tsina.
Itinanghal ang mahigit 150 set na kasuotan na may tradisyonal na elementong Yi at modernong elemento. Makikita sa kasuotan ang mga magandang at natatanging Yi embroidery.
Mahigit 400 set o pirasong obra ang naisumite sa organizer ng kompetisyong ito. Ang pinakamatandang tagadisenyo ay halos 80 taong gulang, at ang pinakabata naman ay mahigit 20 taong gulang.
Ang Lahing Yi ay ika-6 na pinakamalaking minoridad ng Tsina. Ito ay may populasyon ng halos 9 na milyon (datos 2010). Pangunahing nakatira ang mga Yi people sa Yunnan, Sichuan, Guizhou at Guangxi, 4 na lalawigan sa dakong timog-kanluran ng Tsina. Iba't iba ang uri ng mga kasuotan ng Yi sa iba't ibang lugar. Pero, makukulay ang karamihan sa mga ito. Para sa mga babae, balot ang kanilang buhok, at ang kanilang mga alahas ay kinabibilangan ng hikaw; punseras; at singsing, na pangunahing yari sa ginto, pilak o jade.
Salin: Andrea
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |