Ayon sa Xinhua News Agency, ipinahayag kahapon ng Pambansang Sentro ng Paghahanap at Pagliligtas ng Indonesia, na hindi pa natuklasan ang black box na nag-rekord ng flight data ng bumagsak na eroplano ng Trigana Air. Patuloy anitong pinaghahanap ang nasabing black box.
Sa isang news briefing na idinaos kahapon sa Jakarta, ipinahayag ni Heronimus Guru, Pangalawang Direktor ng naturang sentro, na ang unang natuklasang black box ng mga rescuers ay isa sa dalawang black box sa eroplano. Ito aniya ay Cockpit Voice Recorder (CVR). Sinabi niya na ipinadala na ng sentro ang sampung (10) rescuers sa patuloy na paghahanap ng ikalawang black box.
Dagdag pa niya, dahil masama ang lagay ng panahon sa purok na pinagbagsakan ng eroplano, ipinasiya ng Pambansang Sentro ng Paghahanap at Pagliligtas ng Indonesia na ihatid ang bangkay ng mga nasawi sa rutang panlupa.
Salin: Li Feng