|
||||||||
|
||
Binuksan kahapon saBeijing ang 2015 IAAF Word Championships.
Lumahok sa naturang pandaigdigang paligsahan ang 1,931 atleta mula sa 207 bansa at rehiyon. Ang bilang na ito ay naging rekord sa kasaysayan ng IAAF Word Championships.
Seremonya ng pagbubukas ng IAAF Word Championships
Ang delegasyong Tsino na binubuo ng 69 na atleta ay lalahok sa 34 na paligsahan sa 47 events.
Dumalo sa seremonya ng pagbubukas sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina; Lamine Diack, Tagapangulo ng International Association of Athletics Federations (IAAF); Wang Anshun, Alkalde ng Beijing at Tagapangulo ng Lupong Tagapag-organisa; at Liu Peng, Puno ng Pambansang Kawanihan ng Palakasan ng Tsina.
Si Pangulong Xi Jinping ng Tsina
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |