Noong isang linggo, idinaos sa Jakarta, Indonesia ang seremonya upang ihatid ang 68 estudyanteng nagtamo ng scholarship mula sa Pamahalaang Tsino. Lumisan sila ng Indonesya patungong Nanjing University of Science and Technology, Tsina. Dumalo sa seremonya si Yang Xiuping, Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN-China Centre.
Ipinahayag ni Yang na noong isang taon, umabot sa 180 libong persontime ang mga estudyanteng ASEAN na nagtungo sa Tsina at mga estudyanteng Tsino na nag-aaral sa mga bansang ASEAN. At sa mga ito, 13 libong estudyanteng Indones ang nag-aaral sa Tsina. Aniya rin, iminungkahi ng Pamahalaang Tsino na gagawing "Taon ng Pagpapalitan ng ASEAN at Tsina sa Edukasyon" ang susunod na taon. Gagamitin ng ASEAN-China Centre ang pagkakataong ito para ibayo pang isulong ang kooperasyon sa edukasyon sa paghubog ng mas maraming talento sa rehiyong ito.
salin:wle