Sa pagtataguyod ng Federation of Filipino-Chinese Associations of the Philippines Foundation, idinaos kahapon sa Manila Chinese Cemetery ang seremonya ng pag-aalay ng mga bulaklak, bilang paggunita sa mga Filipino-Chinese na nagsakripisyo sa mga digmaan sa Pilipinas laban sa pananalakay ng Hapon noong Ikalawang Pandaigdig na Digmaan (WWII).
Sinabi ni Stephen Techico, Presidente ng naturang pederasyon na, noong WWII sa Pilipinas, magkakasamang nilabanan ng mga Pilipino at etnikong Tsino ang mga mananalakay na Hapones, at ipinagtanggol ang kanilang bayan. Aniya, sa panahon ng digmaan, magkakasamang nagsikap ang mga Pilipino at Tsino para magtamo ng kapayapaan; at sa kasalukuyan, kailangan nilang patuloy na magsikap para pangalagaan ang kapayapaan.
Salin: Liu Kai